Terms of Service

DRAFT para sa pilot. Ipapa-review pa sa abogado bago maningil.

Bersyon 2026-10-05

1. Ano ang Bookita

Ang Bookita ay online booking page para sa mga negosyo. Ang negosyo ("ikaw") ang nagbibigay ng serbisyo sa customer nila; hindi Bookita.

2. Account mo

Ikaw ang responsable sa account mo, sa password mo, at sa lahat ng nakalagay sa page mo (pangalan, presyo, larawan). Bawal ang pekeng negosyo, panloloko, o ilegal na serbisyo.

3. Booking ng customer mo

Ikaw ang may-ari ng impormasyon ng customer mo. Ipino-proseso lang ito ng Bookita para sa iyo. Gamitin mo lang ito para sa booking at serbisyo nila.

4. Plans at bayad

Libre ang Free plan, hanggang 30 booking kada buwan. Kapag naglabas kami ng bayad na plan (Pro, Premium): buwanan o taunan ang bayad; walang refund sa buwang nasimulan na; kapag hindi nabayaran 3 araw pagkatapos ng due date, babalik ka sa Free nang hindi nabubura ang data mo.

5. Sariling domain (Premium)

Ikaw ang bibili at may-ari ng domain mo, at ikaw ang magre-renew taon-taon. Kapag hindi na-renew, hihinto ang website mo sa domain na iyon at maaaring mabili ito ng iba. Hindi mananagot ang Bookita sa pagkawala ng domain dahil sa late o hindi pag-renew. Gagana pa rin ang page mo sa bookita.app.

6. Pagbabago at pagtigil

Pwede mong burahin ang account mo anumang oras. Pwede naming i-suspend ang account na lumalabag sa Terms na ito.

7. Contact

Para sa tanong: hello@bookita.app