Privacy Policy

DRAFT para sa pilot. Ipapa-review pa sa abogado bago maningil.

Para sa mga customer na nagbo-book

Kapag nag-book ka sa isang negosyo sa Bookita, ibinibigay mo ang pangalan, email, mobile number, address at notes mo sa negosyong iyon. Sila ang may-ari ng impormasyong ito (personal information controller). Ang Bookita ay nagpo-proseso lang nito para sa kanila (personal information processor), ayon sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173).

Ginagamit ito para sa booking mo lang: para makita ng negosyo, at para makapagpadala ng email tungkol sa booking mo. Hindi namin ito ibinebenta at hindi ginagamit sa advertising.

Para sa mga may-ari ng negosyo

Iniimbak namin ang email, password (naka-hash, hindi namin nababasa), at impormasyon ng negosyo mo para mapatakbo ang account mo. Itinatala rin namin ang bersyon at oras ng pagtanggap mo sa Terms.

Gaano katagal

Habang aktibo ang account. Pwede mong ipabura ang data mo; buburahin namin ito sa loob ng 30 araw, maliban sa kailangang itago ayon sa batas.

Seguridad

Naka-HTTPS ang lahat. Ang data ay naka-imbak sa Cloudflare. Ang email ay ipinapadala gamit ang Resend.

Mga karapatan mo

May karapatan kang malaman, i-access, itama, at ipabura ang data mo. Para sa booking, kontakin muna ang negosyo. Pwede ka ring mag-email sa privacy@bookita.app.